la•bá 1: paglilinis ng damit at kauri sa pamamagitan ng tubig at sabon 2: tao na dulíng 3: uri ng malaking basket.
la•bâ 1: paglaki o pagsibol 2: kung sa pagpapautang, malaki o mapagmalabis na patubò 3: bahay-pukyutan.
la•ba•hí•ta : malaki-laki hanggang malaking isdang-alat (genus Acanthurus), maliit ang bibig, nása gawing tuktok ng ulo ang matá, malapad ang katawan, may makunat na balát at napa-kaliliit na kaliskis