la•ba•ít : sakít na nagdudulot ng pangangatí, nagpapabago sa kulay ng balát, at nag-iiwan ng permanenteng marka
la•bák 1: lubak na nagkaroon ng tubig, karaniwan dahil sa ulan 2: lambak1 3: malalim na bahagi sa pagitan ng labì at babà 4: sapà 5: dakong ibabâ ng pahina 6: kátay 7: bugbóg1
la•ba•nán 1: salungatan 2: tuloy-tuloy na tunggalian o sagupaan ng dalawang malaki, armado, at organisadong puwersa
la•ba•ngán : malakíng kahoy o batóng inuka nang malakí sa gitna at ginagamit na kainan ng mga alagang hayop