lá•bay 1: lagô 2: likaw o pangkat ng sinulid, himaymay ng abaka, at iba pang kauri 3: pahilis na pagtatalì ng lubid, kable, o anumang mati-bay na pantalì sa dalawang haligi ng bahay 4: hágis o paghágis.
la•bá•yan : uri ng wrasse (genus Helichoeres) na malimit na balingkinitan ang katawan at may uring kulay bughaw at may uring kulay lungtian.
lá•bay-lá•bay 1: dalawang piraso ng kahoy na pinagkrus para sumuporta sa bubong 2: marahan at may maiikling hakbang na paglakad ng kabayo.
la•be•rín•to 1: magulo, pasikot-sikot, at nakalilitong pagka-kaayos ng mga daan kayâ napakahirap makíta o maratíng ang lábásan 2: anumang nakalilito na ayos o kalagayan
la•bí 1: tirá2,3 2: bangkáy1 3: bakás o palatandaan ng nakaraan 4: dagdag o pagdadagdag 5: katanyagan.