macaroon (má•ka•rún) : keyk o biskuwit na gawâ sa putî ng itlog, asukal, at dinikdik na almond o kinayod na niyog
macau (ma•kó) : lorong (genus Ara) malakí at may maha-bàng buntot na matitingkad ang kulay, karaniwan sa Gitna at Timog America
Maccabee (má•ka•bí) 1: kasapi o tagapagtaguyod ng pa-milyang Hudyo na naghimagsik laban sa haring Seleucid noong 167 BC sa pangunguna ni Hudas Macca-beo ng Hudea 2: apat na aklat ng ka-saysayan at teolohiya ng mga Hudyo
machiavellian (mák•ya•bél•yan) : bansag sa kilos pampolitika na hindi nagsasaalang-alang sa kina-gisnang moralidad
macrame (má•krá•mí) 1: sining ng pagtatalì ng sintas para makagawâ ng dekorasyon 2: deko-rasyong gawâ sa ganitong pama-maraan
macro (mák•ro) : serye ng mga instruksiyong awtomati-kong tumutungo sa iba pang set ng mga instruksiyon upang makagawâ ng isang tiyak na gawain
macrocarpa (mák•ro•kár•pa) : punongkahoy (Cupressus macrocarpa) na karaniwang itinata-nim upang magsilbing bakod