ma•bi•lís : paraan ng pagbigkas ng salitâ na tuloy-tuloy hanggang hulíng pantig, hal talóng, tutubí, sapín-sapín
Mabini, Apolinario (ma•bí•ni a•po•li• nár•yo) : (1864-1903) tinaguriang Utak ng Himagsikang Filipino at nagsilbi bílang panguna-hing tagapayo ni Emilio Aguinaldo
ma•bó•lot : mandirigmang nakapatáy ng limáng tao at may karangalang magsuot ng puláng damit na tininà sa pamamaraang tritik
ma•bú•lo : punongkahoy (Diospyrus philippinensis) na katutubò sa Fili-pinas, maitim ang kahoy, bilóg ang mabangong bunga na kulay pulá, at may pinong balahibo
Macao (ma•káw) 1: teritoryong dáting sakop ng Portugal at matatagpuan sa timog China 2: ang pantalán at kabesera ng naturang pook 3: Makáw