páw•paw 1: ibong panggabí (Batrachostomus septimus) at kulisap ang pagkain 2: pu-gad o tirahan ng mga isda, palaka, at iba pa sa mababaw na tubigán 3: ibabaw na bahagi ng sinaing.
pá•ya 1: pagbibiláng o pagtutuos ng utang o iskor 2: kabuuang iskor o halaga 3: a markang nagpapakíta ng tiyak na bílang o bagay b bílang, gaya ng yunit 4: pag-inom nang walang tigil o patid.
pá•ya•bá•ngan : pagpapakíta ng husay sa isa’t isa upang patunayan na higit na mahu-say ang isa sa katunggali o mga ka-tunggali, hal dalawang lalaki na nag-papayabangan kung sino ang higit na mahusay manligaw
pa•yá•bat 1: panahon ng pa-ngingitlog ng mga isda 2: dako ng ilog na nilalagyan ng mga siit at madahong sanga upang panirahan o panganakán ng mga isda.