pa•yák 1: madalîng maunawaan o gawain 2: karaniwan at walang palamu-ti 3: binubuo ng iisang sangkap, gaya sa Gra payak na pangu-ngusap, Bot payak na dahon, Kom payak na patubò 4: may mababàng ranggo o katayuan.
pa•yá•ngit : alámang may payat at makinis na sanga, magkaka-tapat ang dahon na hugis itlog, maba-ngo at manilaw-nilaw ang kumpol na bulaklak, mahabà at balót na balót ng bulo ang bunga, at napagkukunan ng pangkulay.
pá•yang-pá•yang-gú•bat : haláman (Ophiorrhiza mungos) na tuwid ang pagtubò, napakanipis ang dahong patulis ang magkabilâng dulo, at putî ang bulaklak
pa•ya•pà : punongkahoy (Ficus payapa) na balahibuhin ang dahon, at may bungang makinis, makintab, matigas, at mapusyaw na pulá
pa•yá•so : tao na nakadamit na katawa-tawa at karaniwang lu-malabas sa mga karnabal at iba pang tanghalan