pag•sa•man•ta•la•hán 1: makaranas ng isang pang-aabuso 2: magahasa o gahasain 3: abusuhin ang isang tao o bagay.
pag•sa•rí•li : kilos para ariin ang isang bagay para sa sarili lámang; o gawin ang isang bagay nang nag-iisa.
pag•sa•sa- 1: pambuo ng pang-ngalan, mula sa pandiwang nása anyong magsa- at nangangahulugan ng panggagaya o pagpapanggap, hal pagsasapari, pagsasaamá 2: pambuo ng pangngalan, mula sa pandiwang nása anyong magsa- at nangangahu-lugan ng pagbabagong anyo, hal pagsasa-Espanyol, pagsasapelikula.
pag•sa•sa•á•yos 1: pag-aayos 2: kilos o pa-raan ng pagdudulot ng katahimikan o ayos sa isang kaguluhan
pag•sa•sa•báy 1: kilos upang pumunta ang dalawang tao sa isang lugar nang magkasáma 2: kilos upang gawin ng dalawang tao ang isang bagay sa isang panahon
pag•sa•sa•gú•tan 1: kilos o paraan ng pagsagot sa isa’t isa sa pamamagitan ng liham, telepono, o ibang paraan ng talas-tasan 2: paraan ng pagtatálo sa isang debate 3: balitaktak o balitaktakan.
pag•sa•sa•káy 1: kilos para maglúlan ng pasahero 2: kilos para maglulan ng kargamento para dalhin sa ibang lugar.