pag•sa•sa•lay•sáy 1: pasalita o pasulat na pagbuo ng isang salaysay 2: ang bahaging pasalaysay sa isang akdang pampanitikan upang maiba sa bahaging diyalogo 3: sining ng paglikha at pagbuo ng salaysay
pág•sa•sá•lin 1: ang paglilipat ng isang salita sa ibang salita o sa sariling wika mula sa ibang wika 2: pagbabago o pagpapalit sa ibang anyo, itsura, at iba pa.
pag•sa•sa•lo•ób 1: kilos upang ilagay ang isang bagay sa loob 2: kilos upang ilagay sa isip o pag-ukulan ng pag-iisip ang isang bagay.
pag•sa•sa•lú•bong 1: pagtatagpô ng dalawang tao, sasakyan, o anumang nása mag-kasalungat na pupuntahan 2: pagka-kasundo ng dalawang magkasalu-ngat na panig na magtagpo sa gitna.
pag•sa•sá•ma 1: paraan ng paghahalo ng dalawa o mahigit pang bagay o sangkap 2: kilos o gawain ng dala-wang tao, gaya ng mag-asawa o ng mga miyembro ng isang organisas-yon.
pag•sa•sa•man•ta•lá 1: paggamit ng talino o kapangyarihan upang madaig ang iba na kulang sa talino, karanasan, o kapangyarihan, o upang magkamit ng higit na yaman at hindi nararapat sa pribilehiyo 2: gahasa o panggagahasa
pag•sa•sá•nib 1: a kilos o paraan ng pagsasáma o pagdudugtong ng dalawang bagay b kilos para pag-isahin ang dalawang pangkat 2: pagsáma o pagsapi sa isang pangkat o kapisanan.