pag•si•si•wá•lat : kilos o paraan upang ilitaw o ipaalam sa ibang tao ang isang sekreto, anomalya, o ulat
pag•sú•bok 1: súbok 2: hakbangin na may layuning tiyakin ang kalidad o kahusayan ng isang bagay 3: tangka1,2 o pagta-tangka
pág•su•sú•lit 1: isang nakasulat o pabigkas na pag-subok para matukoy ang kahusayan o kaalaman ng isang tao, hal sa pag-aaral o pagtatrabaho 2: anumang kahawig na pagsubok, hal pagsusulit sa kalu-sugan at pagsusulit sa hukuman 3: pagsasauli, lalo na kung marami ang bílang at mahalaga ang dapat isauli.
pag•su•sú•long 1: kilos para itulak ang isang bagay sa kaharap na direksiyon 2: kilos para ipagpatuloy ang isang gawain o proyekto.