re•su•rek•si•yón 1: muling pagkabúhay 2: nása malakíng titik, a ang Muling Pagkabuhay ni Hesukristo pagka-raang siya’y ipako sa krus at ilibing b muling pagkabuhay ng mga tao sa Araw ng Paghuhukom 3: panunumbalik pagkaraang masira, mabulok, o mapinsala 4: pagkakahango 5: pagkatagpo sa isang bagay na nawala o nalimutan; panunumbalik ng gu-nita 6: paghukay sa bagay na nakabaon
resuscitation (ri•sús•i•téy•syon) 1: pagpapanumbalik ng nahi-matay o muntik nang mamatay 2: pagbuhay na muli
retard (ri•tárd) 1: patagalin 2: pabagalin 3: pigilan, hadlangan ang pag-unlad, pagdatíng, o pagtata-gumpay
retardation (re•tar•déy•syon) 1: anumang pumipigil o naka-pagpapabagal; hadlang 2: limitasyon sa pang-unawang intelektuwal at mabagal na pag-unlad
reticulum (ri•tík•yu•lúm) 1: sistema o estrukturang tíla lambat 2: network ng mga hibla 3: pangalawang tiyan ng ruminant at nása pagitan ng rumen at omasum 4: sa buháy na organismo, estruk-turang tíla lambat, lalo na ng mga lamad at katulad
re•tí•na : suson sa likod ng matá na sensitibo sa liwanag at nagpapadala ng mga nerve impulse sa utak sa pamamagitan ng optic nerve upang makabuo ng hulagway
re•ti•rá•do 1: a nagretiro na b hinggil sa taong nagretiro, re•ti• rá•da kung babae 2: malayo sa lipunan o obserbasyon
retirement (ri•táyr•mént) 1: retiro3 o pagreretiro 2: pagiging retirado 3: a pagtigil sa tagông pook b pook na liblib at tagô
re•tí•ro 1: pagpunta sa isang pook na pribado at liblib, karaniwan upang makapagsarili o magnilay 2: pama-mahingá 3: pag-atras nang maayos at ayon sa plano, gaya sa digmaan, kapahama-kan, at katulad 4: pag-alis sa akti-bong serbisyo o sa pangkaraniwang larang ng aktibidad, gaya ng opisyal sa militar 5: pag-aalis ng baril, makina, o barko mula sa normal na serbisyo