re•un•yón 1: a pagsasámang muli b kalagayan ng pagsasáma 2: pagtitipon o pagkikítang muli ng mga kaibigan, ka-mag-anak, o kakilala pagkaraang magkahiwalay
reveille (rév•i•lí) : hudyat, gaya ng tambol o trumpeta na pina-tutunog sa umaga, na kailangan nang gumising
revenue (rév•en•yú) 1: a kita, lalo na ang malaking halaga mula sa isang pinagmumulan b mga bagay na bumubuo nitó 2: kita ng pamaha-laan pagkaraang mabayaran lahat ang mga pinagkagastahan 3: depar-tamento ng serbisyong publiko na nangongolekta nitó 4: kita mula sa anumang uri ng ari-arian, patente, serbisyo, at katulad 5: halaga ng sa-lapi na regular na natatanggap 6: ka-raniwang pangmaramihan at nila-lagyan ng s, kolektibong mga bagay o halaga ng kita ng isang tao, pama-halaan, at iba pa
reverse (ri•vérs) 1: ang ka-salungat o kabaligtaran 2: kasalungat ng kinaugaliang paraan 3: pagdanas ng kamalasan o desastre 4: kabalig-taran o kasalungat na kambiyo o mosyon 5: likod1,3 o likuran 6: kabi-lâ 7: a bahagi ng medalya o salaping barya na nagtataglay ng pangalawang disenyo b ang disenyong nakalagay dito 8: verso ng isang pahina ng aklat o katulad
review (rev•yú) 1: pangkala-hatang pagsisiyasat sa isang paksa o bagay 2: pag-alala o pagsiyasat sa na-kalipas 3: balik-aral 4: pagtatanghal at pormal na pagsisiyasat sa mga sundalo 5: inilathalang kritisismo ng aklat, dula, at katulad 6: taunang publikasyon na naglalaman ng mga artikulo hinggil sa kasalukuyang pangyayari, sa mga sining, o katulad 7: pangalawang pagmalas 8: proseso ng pag-aaral sa isang paksa upang isaulo ito o lagumin ang mga katuna-yan 9: ensayo na inilaan o idinisenyo para sa ganitong pag-aaral 10: pag-aaral na muli ng hukuman, gaya ng nakatataas na korte, sa paglilitis ng isang kaso o sa hatol hinggil dito 11: revue 12: seremonyang pangmilitar na ginaganap bílang pa-rangal sa isang komandante, opisyal, o dignitaryo
revival (ri•váy•val) 1: panu-numbalik ng malay, buhay, lakas, o sigla 2: pagpapabalik o pagbalik ng pag-iral, gamit, pansin, at katulad 3: panibagong pagtatanghal ng dati nang dula 4: paggamit muli ng sina-unang kaugalian, kostumbre, at katu-lad 5: a pag-alab na muli ng pana-nampalataya o interes sa relihiyon b serye ng mga ebanghelikong pagpu-pulong upang hikayatin ito