revolve (ri•vólv) 1: paikutin o painugin 2: igalaw sa pabilog o pakurbang ruta o orbit 3: umiral sa isang siklo o mangyari muli 4: pag-isipan
revue (ri•vyú) : anyo ng pagtatanghal na panteatro na binu-buo ng mga maiikli, karaniwang nang-uuyam na awit, sayaw, dula, at hinggil sa mga napapanahong isyu
réy•na 1: asawa ng hari 2: babaeng soberano o maharlika 3: babae na pangu-nahin sa isang larang, hal reyna ng pinilakang tabing 4: barahang may larawan ng reyna 5: sa ahedres, ang pinakamakapangyari-hang piyesa sa bawat kulay at maa-aring igalaw kahit saan at walang na-kaharang at saan mang direksiyon 6: babaeng langgam, pukyot, anay, o katulad na may kakayahang magkaroon ng supling 7: baklang pumapapel na babae
rey•ná•do 1: pana-hon ng panunungkulan ng hari o rey-na 2: pamumuno o awtoridad ng maharlika 3: naghaharing impluwensiya o kapangyarihan
Rhadamanthus (rá•da•mán•thus) : anak nina Zeus at Eu-ropa, kapatid ni Minos, pinuno at hukom sa impiyerno, at kilala dahil makatarungan