ribosome (ráy•bo•sówm) : isa sa maliliit na particle na binubuo ng RNA at kaugnay na protina na matatagpuan sa cytoplasm ng buháy na cell; kaugnay ng sintesis ng protina
rich (rits) 1: mayaman 2: sagana sa likás na kayamanan 3: may taglay na yaman 4: sagana 5: mahál1 o mamahalin 6: malasa, bagaman hindi mainam para sa kalusugan, gaya ng sarsa o minatamis na sagana sa mantekilya o krema 7: gawâ sa mamaháling materyales at detalyado ang palamuti gaya ng gusali o muwebles 8: sa alak, matapang at masarap 9: napakabango 10: matingkad, gaya sa kulay 11: mataginting, gaya sa tinig
Richter scale (rík•ter is•kéyl) : eskala, mulang isa hanggang sampu, na sumusuri ng intensidad o lakas ng lindol
rickets (rík•its) : sakít ng mga batà na nagdudulot ng pag-lambot ng mga buto, lalo na ng gulugod, na bunga ng mal-nutrisyon, kakulangan ng bitamina D at calcium
ricksaw (rík•sho) : sasakyan na magaan, may dalawang gulong, may bubong, at karaniwang hinihila ng isa o higit pang tao
ricrac (rík•rak) : makitid at zigzag na tirintas o laso na ginagamit na palamuti sa kasuotan at katulad
ride (rayd) 1: pagsakay sa isang sasakyan 2: haba ng paglalak-bay 3: pagsakay sa kabago; pagsa-kay sa bisikleta 4: daanan o landas, lalo na sa kagubatan na dinaraanan ng mga mangangabayo 5: anumang maaaring sakyan sa isang perya, gaya sa tsubibo at roller coaster
rider (ráy•der) 1: tao na su-masakay, lalo na sa isang kabayo 2: karagdagan sa isang dokumento 3: suliranin na nagiging dagdag ng isang teorema
ridge (ridz) 1: linya ng pag-huhugpungan ng dalawang rabaw na nakapahilig túngo sa isa’t isa, gaya sa bubong 2: tagaytáy 3: anumang makitid na umbok sa isang rabaw
riesling (ríz•ling) 1: alak sa Europa at California na mabango, putî, tuyô, o matamis 2: a uri ng ubas na ginagamit sa paggawâ ng ganitong alak b baging na namumunga ng ganitong ubas