rhodium (ró•di•úm) : element na metaliko, pinilakan, ka-bílang sa platinum, bumubuo ng salt na lumilikha ng mga solution na ku-lay pink (atomic number 45, symbol Rh)
rhododendron (ró•do•dén•dron) : genus ng palumpong na may malalakí at kaakit-akit na bulak-lak, at may 17 specie na katutubò sa Filipinas
rhodora (ro•dó•ra) : ma-babàng palumpong (Rhododendron canadensis) na karaniwang matatag-puan sa hilagang Amerika, may bu-laklak na kulay rosas na namumu-kadkad bago lumitaw ang mga dahon
rhombic (róm•bik) 1: may anyo ng rhombus 2: may base na rhombus 3: napaliligiran ng rhom-bus, bílang isang solid
rhombus (róm•bus) : sa heometriya, parallelogram na may mga anggulong pahilis at magkaka-pantay o magkakasinghaba ang lahat ng panig
rhubarb (rú•barb) 1: a halaman (genus Rheum) na malakí ang dahon, mahabà, malaman, at ma-tingkad na pulá ang sanga, at maa-aring kainin, hal R. rhapinticum b mga tangkay ng dahon 2: a ugat ng halámang (genus Rheum) mula sa Ti-bet at Tsina b purgang mula dito 3: a pabulong na pag-uusap o ingay, lalo na ang paulit-ulit na pagsambit sa salitâng rhubarb b walang silbing bagay
rhumb (ram) 1: alinman sa tatlumpu’t tatlong point sa kómpas 2: anggulo sa pagitan ng dalawang magkasunod na point ng kompas 3: rhumbline1
rhumbline (rám•layn) 1: linya na dumaraan sa lahat ng mga meridian sa iisang anggulo lámang 2: linya na sinusundan ng isang barkong naglalayag sa iisang takdang direksiyon