rhea (rí•a) : anumang ibon (genus Rhea) na malaki, mula sa timog Africa, kahawig ngunit maliit kaysa ostrich
rhebok (rí•bok) : maliit na antilope (Pelea capreolus) na mula sa timog Africa, may mahabà at payat na leeg, at maikli at tuwid na mga sungay
rheostat (rí•o•stát) : resistor na maaaring igalaw upang baguhin ang resistance nitó nang hindi binubuksan ang sirkito na pi-nagkakabitan nitó, kaya nakokon-trol ang koryente ng sirkito
rhesus (rí•sus) : uri ng unggoy (Macaca mulatta) na mula sa India, pahabâ ang mukha, laylay ang pisngi, at ginagamit sa pag-eeks-perimento sa laboratoryo
Rhesus factor (ré•sus fák•tor) : isang antigen na lumilitaw sa mga puláng cell ng dugo nang marami sa mga tao at sa ilang uri ng unggoy
rhetorician (rét•o•rí•syan) 1: eksperto sa retorika 2: tao na nagsu-sulat o nagsasalita nang may estilong mapagmalabis at detalyado 3: mana-nalumpatî 4: nagtuturo ng retorika
rheumatic fever (ru•mát•ik fí•ver) : malalang sakit, karaniwan ng bata na nagdudulot ng lagnat, pa-mamaga, at pananakit ng mga kasu-kasuan at pamamaos
rheumatic heart disease (ru•mát•ik hart di•sís) : pinsala sa puso, lalo na sa balbula, bunga ng rheumatic fever na nagdudulot ng pa-mamagâ sa myocardium at hindi pag-gana ng mga balbula ng puso
rhinoceros (ray•nós•i•rós) : mammal (family Rhinoceroti-dae) na malakí ang katawan, may isa o dalawang sungay sa ibabaw ng nguso, at makapal ang balát
rhizobium (ray•zó•byum) : sa bakteryolohiya, bakteryang panlupa (genus Rhizobium) na hugis barilya at matatagpuan lalo na sa mga hugpungan ng ugat ng mga ha-lámang butil
rhizocarp (ráy•zo•kárp) : haláman na may mga ugat na nabu-búhay nang matagal bagaman mali-mit matuyô at malagas ang mga da-hon at sanga