Ra•ma•dán : ikasiyam na buwan sa kalendaryo ng mga Mus-lim at sa panahong ito, mahigpit na ipinatutupad ang pag-aayuno mulang pagsikat ng araw hanggang paglubog nitó
ramaje (ra•má•he) 1: disen-yo sa tela na may mga sangang ma-bulaklak 2: sinag ng liwanag na nag-mumula sa ulo ni Kristo na nakapako sa krus
ram•bu•tán 1: punong-kahoy (Nepheleum lappaceum) na laging-lungti, mayabong, mababà, at may bungang biluhaba, pulá, at may makapal at mabalahibong balát 2: tawag sa bunga nitó
ramp 1: nakahilig na rabaw na nagdurugtong sa dalawang level 2: hagdanan na naililipat at ginagamit sa pagpasok o paglabas sa eroplano 3: papataas na kurba sa barandilya ng hagdanan 4: anumang nakahilig na daanan o landas