rad•yo•te•lé•po•nó : teleponong dinadaluyan ng tunog o pananalita sa pamamagitan ng along-radyo sa halip na sa pama-magitan ng mga kable o kawad
rá•ga 1: padron ng mga notang ginagamit na batayan ng im-probisasyon 2: isa sa mga pormu-lang panghimig sa musika ng mga Hindu na may himig, melodiya, at ornamentasyong itinatakda ng tra-disyon
ragout (ra•gú) : putahe ng karneng hiniwa nang maliliit, inilaga nang may kasámang gulay at maraming pampalasa
ragtime (rág•taym) 1: estilo ng sinaunang musikang popu-lar na pinasíkat ng mga musikerong Amerikanong Itim noong 1890 at ka-raniwang tinutugtog sa piyano 2: rit-mo na may bílang na 2/4 ang saliw at may palagiang synchopation ang himig