ra•ké•ta : maga-ang pamalò ng bola na hugis biluhaba ang balangkas na nilalambatan ng nylon at katulad na materyales, kara-niwang ginagamit sa tennis, squash, at katulad
rak•rak-ít : pipit1 (Acrocepha-lus orientalis) na katamtaman ang lakí at may nangingibabaw na kala-wanging kayumangging kulay
rá•li : pagtitipon-tipon ng mga tao bílang pagpapakita ng suporta para sa isang pagkilos tungo sa isang layunin
ra•má 1: patibong para sa isda, alimango, o hipon; yarì sa mga tuyông sangang pinagdikit at inilalagay sa malalim na bahagi ng ilog 2: kawayan o punò na ibinaba-kod sa kama ng lupang punlaan at iba pa