sá•gap 1: anumang nakuha sa rabaw ng tubig 2: anumang pumasok sa sistema ng paghinga 3: bali-balita na nakuha nang hindi sadyâ 4: tíla sandok na lambat na panghuli ng isda 5: bintól 6: pagkuha ng maliliit na bagay sa rabaw ng tubig gamit ang kamay 7: paggawa ng anuman dahil sa paggálang
sá•gap 1: masinghot o singhutin; makuha o kumuha; marinig o dinggin 2: bumilí ng paninda 3: humanap o hanapin 4: ngumuya o nguyaín
sa•gar•sár 1: varyant ng sagadsád 2: pagsadsad ng sasakyang-dagat 3: marahas na pagsasandal ng isang tao sa dingding o katulad
sa•ga•sà 1: mabangga ng isang sasakyan 2: harapin nang walang tákot ang anu-mang panganib 3: pumagitna o sumugod nang salungat sa karamihan o puwersa 4: sa madyong, makabunot ng ikaapat na pitsa ng set na magkakatulad ang bílang