sa•gíp 1: pagtanggap sa responsabilidad ng iba 2: pagiging bihag bilang garantiya sa pagtupad sa kasunduan
sa•gí•sag 1: bagay na kumakatawan o palatandaan ng kalidad, estado, o uri ng tao 2: marka, disenyo, o pigura na nagpapakilála ng isang bagay 3: salita, parirala, hulagway, o katulad na may masasalimuot na kaugnay na kahulugan at itinuturing na halagang likás at hiwalay sa kinakatawan nitó
sa•gí•si : katutubòng palma (Heterospathe elata), tuwid at tumataas nang 20 m, may dahong tíla niyog, at may bungang lumalabas sa ilalim ng dahon
sa•git•sít 1: matinis na tunog ng pinaha-bàng is 2: tunog ng pagpi-prito sa kawali, ng malakas na puslit ng tubig sa gripo o túbo, o ng biglang preno
Sagittarius (sa•gi•tár•yus) 1: malakíng konstelasyon na kinakatawan ng isang sentaurong may daláng búsog at pana 2: a Asl ikasiyam na tanda ng zodyak (22 Nobyembre–21 Disyembre) b tao na isinilang sa petsang nakapaloob sa tandang ito