sá•gi 1: pagtakas sa pamamagitan ng paggawa ng bútas sa bahay o bakod 2: pagdagit ng gabilan sa manok 3: pagtahak sa isang pook sa paraang naninirà o nagbu-bukás ng daan
sa•gi•bád•bad : katutubòng gitara na gawâ sa hungkag, magaan ngunit matibay na tabla, at may kuwerdas na gawâ sa himaymay na abaka, yantok, at bislig
sa•gí•la 1: pagdaan nang malapit o bahagyang sumasayad sa pader 2: pagbabaling ng tingin nang hindi tumititig 3: pagdalaw nang hindi tumitigil sa alinmang bahay 4: pagsagí sa isipan ng isang tao
sa•gí•lap 1: pagkuha ng isang bagay sa ilalim ng tubig 2: sa Laguna tumutukoy ito sa pagkulo o pagbula ng palayok o iba pang likidong may karbonato 3: manipis na bulâ sa rabaw ng inúmin
sa•gim•sím 1: malungkot at madilim na pangitain 2: pag-iisip na hindi gaanong tumatagal o bagay na biglang naalaala
sá•ging 1: halámang tropiko (genus Musa) may katawang saha, dahong palapa, at may kumpol na bulaklak na nagiging buwig ng bunga 2: tawag din sa bunga nitó