sa•li•tâng-u•gát : ang ugat o ang pangunahing bahagi ng isang pangngalan, pang-uri, at iba pang salita na nilalapian
sa•lí•tre : potassium nitrate, putî, maalat, at kristalinang substance na ginagamit sa pagbu-buro ng karne at bílang sangkap ng pulbura
sá•liw 1: maganda at maayos na pagsáma-sáma ng mga tunog 2: tunog ng instrumentong pangmusika na isinasabay sa pagkanta 3: pagpapatunog ng kampana para sa isang namatay
sa•li•wâ 1: magkabaligtaran ang pares, gaya ng kanang tsinelas na naisuot sa kaliwang paa at kaliwang tsinelas na naisuot sa kanang paa 2: hindi magkapantay
sa•li•yá•ngang : pagkakahati ng isa sa marami, gaya ng isang punongkahoy sa maraming sanga o ng isang daan sa maraming sanga