sa•li•sí 1: hanay o ayos na salítan 2: paggawâ nang halin-hinan 3: palihim na paggawâ ng isang bagay, gaya ng pagnanakaw kapag wala ang may-ari o nalibang ang nagbabantay
sa•lí•sig 1: pagpapasok ng anu-mang kasangkapan, hal kasangkapan para sa pag-arok ng súgat o para sa pagtanggal ng tutuli 2: ang kasangkapan sa pagkuha ng tutuli o pansú-kat sa lalim ng sugat
sa•lí•sod 1: pakaladkad na paglakad o paglakad nang nakadiin sa lupa ang dulo ng paa 2: baldosa o isang malapad na bagay na itinapon sa tubig 3: paglilinis sa bibig ng isang sanggol sa pamamagitan ng paggamit ng bulak na inilalagay sa hintuturo at binasâ ng langis ng sesame 4: paglalagay ng dila o ng daliri sa ilalim ng ng bibig upang kunin ang tinik o anumang nasa lalamunan
sa•lí•sol 1: paglilinis sa bunganga na gamit ang bulak o telang may gamot 2: masarap na pagdila sa labì 3: pagtahi ng hilbana
sa•li•tâ 1: yunit ng wika, binubuo ng isa o higit pang binibigkas na tunog o nakasulat na representas-yon at nagsisilbing tagapaghatid ng anumang ipinahahayag ng isip, kilos, o damdamin 2: wikà 3: sábi1