sa•bi•yák : kapansin-pansin, gaya ng mabangong bulaklak o ng punongkahoy na pantay-pantay ang mga sanga
sab•láy 1: hindi pagtama, gaya ng sablay na suntok o ulos 2: anumang inilalagay nang paalampay sa balikat, bílang bahagi ng pormal na kasuotan 3: tawag sa bánda na isinusuot nang pasablay sa katawan, gaya sa kasuotang akademiko sa Unibersidad ng Pilipinas na isinusuot sa ibabaw ng pormal na pananamit 4: blusang may manggas na hanggang baywang
sable (séy•bol) 1: maliit na mammal (Martes zibellina) na karniboro at matatagpuan sa hilagang Europa at mga bahagi ng hilagang Asia 2: damit sa pagluluksa