sá•bo 1: malakíng pangkat o kawan ng mga ibon o kulisap 2: pang-akit ng isang dalaga 3: paglapit o pagsunggab sa pain 4: bulâ
sá•bog 1: pagkalat ng maliliit na bagay 2: hasik 3: malakas na putok 4: paghihiwa-hiwalay ng mga tao o mga hayop
sa•bón : compound ng fatty acid na panlinis, may soda o potash kasáma ang isa pang metalikong oxide at bumubulâ kung ikukuskos sa tubig
sá•bong 1: labanán ng mga tandáng na may tari, karaniwang may pustahan 2: anumang labanáng tulad ng sa tandang 3: bulaklak