sa•bát 1: pangharang o panangga sa pinto, bintana, at mga katulad 2: sabád1 3: pagharang o pag-abang sa isang tumatakas 4: pagsabay o pagsunod sa maramihang dasal o awit 5: elise 6: sagót1
sa•báw 1: pinakuluang nilaga, sinigang, at iba pang putaheng may likido 2: likidong bahagi ng pagkain
sa•báy 1: nagkakatugma sa isang takdang panahon 2: may kapareha sa paglakad, pagkain, at katulad na gawain
Sabbath (sá•bath) 1: araw ng pangilin at hindi pagtatrabaho para sa mga Hudyo at ibang mga Kristiyano 2: panahon ng pamama-hinga, karaniwang Linggo
sabbatical (sa•bá•ti•kál) 1: hinggil sa sabbath 2: sa maliit na titik, ukol sa panahon ng pamamahinga
sabbatical year (sa•bá•ti•kál yir) : sa paaralan, unibersidad, kole-hiyo, at katulad, pahintulot sa isang propesor upang mag-aral o maglak-bay, karaniwan tuwing ikapitong taon
sabertooth tiger (séy•ber•tút táy•ger) : anumang kabílang sa extinct na uri ng mga pusa (genus Felidae) na mula sa panahong Oligocene at Pleistocene, na may mahabà at tíla sableng mga pangil