sar•sa•pa•ríl•ya 1: preparasyon ng mga tuyông ugat ng iba’t ibang haláman at ginagamit na gamot, pampasigla, o pampalasa sa inumin 2: alinman sa mga halámang (genus Smilax) pinagmu-mulan nitó 3: soft drink na sinangkapan nitó
sar•su•wé•la : dulang musikal na naging popular sa dulo ng ika-19 santaon, hango sa zarzuela ng Espanya, at nagtatanghal ng mga bagay na tradisyonal sa Filipinas
sá•sa 1: paghatì sa gitna 2: paghahatì sa isang lupain 3: pananatili sa kainitan ng araw, tindi ng ha-ngin, at katulad 4: pagiging napakaingat sa pagpapalakad ng tahanan, o sa tindig ng katawan 5: paggawa o pagdaan nang lubhang mabilis