sashimi (sa•syí•mi) : putahe ng hilaw na isda na hiniwa nang manipis karaniwang isinasawsaw sa toyo at wasabi
sá•ta : malakí, mabigat, at napaka-lapad na bangka, ginagamit sa pagdadalá ng mga bató, apog, at iba pa
sá•te•láyt 1: lawas na umiinog sa planeta 2: tao na tagasunod 3: bansa na napapailalim sa impluwen-siya o kapangyarihan ng iba
sá•ti•rá 1: sinaunang tulang Romano na pumupuna sa mga bisyo o kahinaan ng tao o lipunan 2: akdang pumupuna sa mga bisyo at kahinaan ng tao o lipu-nan sa paraang mapagpatawa, mapangkutya, at maparikala, at may layuning magbunga ng pagbabago kung minsan