tab•yós : maliit na biyâ (Mistickthys luzonensis) at karaniwang matatagpuan sa Lawang Buhi sa rehiyon ng Bikol
ta•dá•eng : gitarang kawayan na may dalawang mahabà at makitid na kuwerdas na pinilas mula sa kawayan
ta•de•é•an : maliit na dagâ (Apomys insignis insignis), pinong malambot ang balahibo, malakí ang tainga, at maliit ang matá; karaniwang naninirahan sa malumot na bahagi ng kagubatan
ta•dék : pangkalahatang tawag sa sayaw ng lahat ng katutubòng pangkatin sa Cordillera, lalo na ng mga Tinggian, Bontok, at Ibaloy
tad•ha•nà 1: kapaláran1,2 2: ang itinakda ng batas o kasunduan 3: panahong itinakda sa pagbabayad ng utang o pagtupad ng obligasyon