tad•yáng : alinman sa mga butóng nakahanay nang pasalikop sa dibdib at nagsisilbing pananggalang sa mga bagà at puso, nakakabit sa butó ng gulugod ang isang dulo at sa sternum ang kabilâ
Tad•yá•wan 1: isa sa mga tribung etniko ng mga Hanu-nuo Mangyan na matatagpuan sa silangan at hilagang silangan ng Oriental Mindoro 2: ang wika ng mga ito
tae kwon do (táy kwán do) : anyo ng martial arts na hindi gumagamit ng armas, may pinagha-lòng elemento ng karate, sinaunang Koreanong martial arts, at kung fu