ta•bóy 1: kilos o paraan ng pagpapaalis sa tao o hayop mula sa isang pook 2: pagkakatiwala ng isang negosyo sa iba
tab•sáw 1: tilamsík1 2: paglaganap ng kulay na ibinuhos, tinunaw, o inilagay sa tubig 3: paglaganap sa lupa ng mga radyoaktibong particle mula sa atomikong pagpapasabog
tab•tá•ba : alga (Colpomenia sinuosa) na walang tangkay o uhay, karaniwang nabubúhay sa mga patáy na tangrib