tá•sa 1: kasangkapan na tíla maliit na mangkok, karani-wang inuman ng kape, tsokolate, o tsaa 2: pagsúkat sa kantidad o dalasan sa pamama-gitan ng paghahambing sa ibang kantidad o dalásan, hal pagtaas ng tása ng krimen o tása ng interes sa pautang 3: pagbuo ng isang idea hinggil sa ha-laga bílang sukat o kabuluhan ng isang bagay o gawain 4: pagpipigil sa pagka-in; pagkain ng pilî at itinakda para sa kalusugan o upang magbawas o magdagdag ng bigat.
tá•sik 1: tubig-alat na sinalà sa buhangin sa proseso ng paggawâ ng asin 2: pagbababad ng karne sa asin.
tá•sok : maikling pin o bolt na ginagamit na panghawak sa mga bahagi ng isang bagay, pansara, sabitan, pangkabit ng lubid, at iba pa
ta•tá 1: tili ng daga 2: pag-hiwa bilang palatandaan, tulad kapag binibiyak ang balat ng niyog upang gawin itong sisidlan na maaaring inuman.
tá•ta 1: tawag sa amá 2: tawag ng paggálang sa matandang laláki 3: punongkahoy na maraming marka ng pagtagâ.