tat•só : kasangkapang pinaglulutuan ng minatamis, gaya ng halaya, yarì sa tanso, may dala-wang taingang hawakán, at sapád ang puwit.
tat•su•lók 1: heometrikong anyo o hugis na may tatlong sulok at tatlong gilid 2: alinman sa may tatlong gilid o tatlong sulok na pigura, area, bagay, at iba pa 3: pangkat ng tatlo na magkakaugnay sa isang sitwasyon, gaya ng tatsulok ng pag-ibig
tattoo (tá•tu) 1: senyas na likha ng tambol o trumpeta sa gabi bílang pagpapabalik sa kampo 2: elaborasyon nitó na may musika at pagmamartsa, bílang isang pang-aliw 3: maindayog na pagtapik o pagtambol 4: tatô.
ta•ú•han 1: a tao sa isang nobela, dula, o pelikula b papel na ginagampanan ng isang aktor 2: kawaní 3: ala-gad.
ta•u•lî 1: gawing bunga ng isang lakas 2: aksiyong nalilikha ng isang sustansiya 3: pagnanais o gawi na bumalik sa dáting kalagayan 4: re-aksiyon sa isang insentibo.