ta•tás 1: kakayahang bumig-kas at magpahayag nang tuwid at maayos sa mga salita 2: maganda at maayos na resulta ng gawain o pagboborda
tá•ting 1: makitid na puntas na gawâ sa pagpapaikot at pagbubuhol ng sinulid sa pama-magitan ng lansadera 2: ang sining sa paggawâ ng nasabing puntas.
tat•ló’t wa•lâ : laro ng kalalakíhan sa Katagalugan, inaayos nang naka-harap ang ibon ng tatlong barya bago ihagis, at kung lumapag sa sahig na tatlong tao ang mga barya, panalo ang tumira; panalo naman ang mga kalaban kung ibon ang lumabas.
ta•tô 1: mahirap maburang marka o pigura na iti-natak sa katawan sa pamamagitan ng pagtutusok ng pangkulay o paglikha ng mga pilat 2: ang paglalagay ng disenyo sa balát sa pamamagitan nitó