tax exemption (taks eg•sémp•syon) 1: pagiging libre sa pagbabayad ng buwis 2: mga buwis na hindi kailangang ipagbayad.
taxicab (ták•si•káb) : sasak-yang nagdadalá ng mga pasahe-rong nagbabayad sang-ayon sa halagang nakatalâ sa taksimetro
ta•yâ 1: salapi o halagang ipinag-sasapalaran sa isang laro o paligsa-han 2: sa laro, ang kalahok na kailangang gumawâ ng ilang espi-sipikong bagay, karaniwan bílang parusa sa pagkatálo 3: kaláwang.
tá•ya 1: pagpapasiya o pagsukat sa halaga, dami, lakí, o bigat ng isang bagay sa pamamagi-tan ng tingin, hawak, at paggamit lámang ng pandama 2: sahod
ta•ya•án : biluhabâng bas-ket na may takip, parihabâ ang puwit, at pinaglalagyan ng bigas, damit, o anumang gamit sa bahay.
ta•yá•bak : matigas na baging, may kapansin-pansing bulaklak dahil sa kulay na mabughaw-bughaw na lungtian na 7 sm ang habà ng bawat isa, nakatikwas na parang tuka at nakakumpol sa tangkay, katutubo sa Filipinas