tá•wal 1: a paggalíng sa pamamagitan ng gayuma b pagkaha-linang dulot ng mahika; pagkaeng-kanto 2: paggalíng ng kagat ng ahas gamit ang yerba 3: pagbigkis sa pamamagitan ng lubid.
ta•wá•lis : maliit na pu-nongkahoy (Osbornia octodonta) na lumalago o kumakapal, lalo kung tumataas ang tubig sa latian.
tá•was : walang kulay na compound ng aluminum at potas-sium, ginagamit na solution bílang gamot at sa pagkukulay
tá•was : alamin kung ano ang karamdaman sa pamamagitan ng pagtunaw sa tawas, ayon sa sina-unang pamamaraan ng pangga-gamot.
tá•wa•tá•wa 1: dapò (Gram-mathophyllum scriptum) na hindi parasitiko, tumutubò sa ibabaw ng ibang haláman at nabubúhay dahil sa hangin 2: tángantángan.
tá•wes : erbiborong isdang-tabáng (Puntius javanicus) na biluhabâ ang katawan, patulís ang nguso, at matitigas ang palikpik.
ta•wíd : banderola na isinasabit sa pisi at itinatalì sa magkabilâng gilid ng lansangan, karaniwan kung pista