Taurus (tó•rus) 1: konstelasyong sumasagisag o ku-makatawan sa isang mabagsik na toro na pinaamo ni Jason 2: a ang pangalawang tanda ng zodyak (20 Abril–20 Mayo) b tao na ipinanganak sa loob ng gani-tong senyas
Ta•u•súg 1: pangkating etniko na matatagpuan sa Jolo, In-danan, Siasi, Patikul, at sa ibang pook sa Sulu 2: tawag din sa wika nitó.
tautology (to•tó•lo•dyí) 1: hindi kailangan o kalabisang pag-uulit ng isang idea sa ibang salita, parirala, at iba pa 2: kaliguyan.
tá•wa : pagpapahayag ng kasiyahan o ka-galakan, karaniwang sa pamama-gitan ng ngiti at tunog na nalilikha nitó
tá•wad 1: paghingi ng deskuwento 2: paghingi ng pauman-hin 3: pagsisikap upang makalaya sa parusa 4: pagmaliit o paghamak sa kakayahan ng sinuman.
tá•wag 1: pagsasalita nang malakas 2: a panunuran upang magtipon-tipon b Bat pagtipunin o pagharapin 3: bando o pahayag, karani-wang ginagawâ sa simbahan sa tatlong magkakasunod na Linggo, hinggil sa isang kasalang magaga-nap 4: paggamit ng telepono 5: pangalan ng tao, pook, o bagay 6: dalaw ng isang doktor.
ta•wák 1: sinumang nag-aangkin ng agimat na nakapagpapa-galíng sa tuklaw ng ahas sa pama-magitan ng kaniyang laway, at nakapagpapaamo sa ahas 2: ang naturang agimat 3: sinumang pina-niniwalaang nakapagpapagalíng ang laway.