Tá•ong-Tá•bon : sinaunang labí ng tao na tinatáyang 22,000-30,000 taon at natagpuan sa yungib ng Tabon, Palawan noong 1962.
tá•o-ta•ú•han 1: tatáw 2: hindi totoong tao 3: pagi-ging kasangkapan sa isang gawain, karaniwang may masamâng layunin.
tap 1: kasangkapang pang-kontrol sa daloy ng likido o gas mula sa túbo o lalagyan 2: ang paglalagay ng isang kasangkapan o pangkontrol sa telepono o telegrapo upang marinig ang isang usapan o makaku-ha ng impormasyon 3: ang kasang-kapan para dito.
ta•pá 1: pinausukang isda o paraan ng pagpapausok sa isda upang hindi masira 2: pagpapatuyo ng anuman sa apoy.
tá•pa 1: karneng hiniwa nang manipis at pinatuyô sa araw 2: kasama sa kasunduan 3: pulbos na inilalagay sa alak.
tá•pang 1: ang pagiging walang takot 2: bisà o kapasidad sa pag-dudulot ng reaksiyon gaya ng tapang ng alak, sukà, at iba pa