ta•pí•se•rí•ya : makapal na telang hinabi na may mga mapalamuting disenyo o la-rawan, ginagamit na pansabit sa dingding o pansapin sa muwebles
ta•pò 1: pagtalab o pagkakaroon ng bisà ang gamot 2: pagsasapuso ng anuman upang hindi malimutan 3: banggâ.
ta•pók 1: paghampas sa damit sa pamamagitan ng paglalagay sa pagitan ng dalawang palad at ginagawâ kapag malagihay ang damit na inalmirulan 2: alikabók.
tá•pok 1: patibóng 2: tambáng1-3 o pagtambáng 3: pagtatago dahil sa takot sa anu-mang panganib 4: sagunsón1.
tá•pon 1: pagha-hagis saanman ng isang bagay na wala nang halaga o hindi na kai-langan 2: pagpapala-yas sa sinuman mula sa o palabas ng isang bayan o bansa 3: pag-aalis ng isang baraha o ng isang pitsa mula sa mga hawak 4: anu-mang inihagis dahil wala nang halaga o hindi na kailangan.
tá•pon•lú•lan : pagtatápon sa mga bagay na lulan upang gumaan ang isang barko o eroplano sa panahon ng kagipitan o mga pangyayaring hindi inaasahan.