ta•páng•ko : ang síbi o medya agwa na may katamtamang habà at kitid bílang panganlong laban sa init ng araw o ulan.
tá•pas 1: tálop o pagtálop, gaya ng pag-aalis ng balát ng niyog 2: pagpapatalas sa mapurol at pag-aalis ng tulis sa matulis 3: mga pulútan.
tap dance (táp dans) : sayaw na may maindayog at ma-lakas na lagapak ng paa, daliri nitó, o sakong sa bawat hakbang likha ng sapatos na may nakakapit na metal.