tér•no 1: tráhe 2: dalawa o mahigit pang bahagi na may mag-katugmang estilo, kulay, o anyo, hal ternong damit.
te•ro•rís•mo : sistematikong paggamit ng dahas at pananakot upang puwersahin ang pamahalaan o pamayanan, lalo na sa pagpapa-sang-ayon sa mga tiyak na kahili-ngang pampolitika
terpene (ter•pín) : anu-man sa uri ng monocyclic hydrocar-bon na may pormulang C10H16 at mula sa mga haláman.
terrarium (te•rár•yum) 1: vivarium para sa maliliit na pan-lupang hayop 2: selyado at naaani-nag na globo na naglalamán ng mga tumutubòng haláman
terrestrial (te•res•tri•yal) 1: nauukol sa lupa o mundo 2: a kaugnay sa tuyông lupa b Zoo nananáhan sa, o sa ilalim ng lupa c Bot nabubúhay sa lupa 3: sa planeta, katulad ng lakí at kompo-sisyon o kayarian ng planetang Lupa 4: makalupà.
ter•si•yá•han : mapang-abusong sistema ng pag-papautang na nagpapataw ng 33 porsiyentong interes ang maylupa sa inutang ng magsasaká.
ter•si•yár•yo 1: pangatlo sa ayos, hanay, o ranggo, ter•si•yár•yo kung babae 2: sa malaking titik, nauukol sa u-nang panahong Cenozoic