Te•res•yá•na : or-den o kasapi ng institusyong nagdedebosyon kay Santa Teresa de Jesus, Te•res•yá•no kung laláki.
té•ri•tór•yo 1: saklaw na lupain sa ilalim ng isang namumunò, estado, lungsod, at iba pa 2: or-ganisadong paghahati ng isang bansa
tér•mi•nál 1: pangwakas sa isang bagay 2: himpilan o estasyon ng tren o bus 3: punto ng koneksiyon sa pagsasará ng sirkito ng koryente.
tér•mi•nál 1: a sa sakít, malubha, o nakamamatay b ang hulíng panahon o baitang ng naka-mamatay na sakít 2: ukol sa o bumu-buo ng hanggahan, limitasyon, o himpilan 3: a Zoo nagtatapos sa isang serye b Bot tumubò sa dulo ng tangkay.
tér•mi•nó 1: salitâng ginagamit sa pagpapahayag ng isang tiyak na konsepto, lalo na sa isang partikular na sangay ng pag-aaral at iba pa 2: wikang ginagamit; paraan ng pagpapa-hayag 3: katawagan 4: kondisyon o presyo sa isang nego-sasyong pangnegosyo o pagbibili-han 5: itinakdang panahon para sa isang gawain
tér•mi•nús 1: estasyon sa dulo ng isang riles o ruta ng bus 2: punto sa dulo ng linya ng túbo, at iba pa 3: ang hulíng punto 4: si-mulang punto 5: ang hulíng point ng isang vector.
tér•mo•mét•ro : instrumen-to sa pagsukat ng temperatura sa pamamagitan ng isang substance na nagbibigay ng tumpak na súkat sa pamamagitan ng pagtaas at pagba-bâ nitó sa loob ng iba’t ibang antas ng init at lamig
tern : kauri ng gull (family Sternidae) ngunit karani-wang higit na maliit at higit na payát , at may mahabàng patulis na pakpak at buntot na parang tagdan
tér•na : listáhan ng tatlong kandidato para sa opisina ng gobernadorsilyo na isinusumite sa gobernador heneral.