tér•ter 1: ibon (Ortho-tomus sreceus nuntius) na karani-wang kulisap ang kinakain, at naninira-han sa bakawan o gilid ng dalampasigan 2: paták.
tertiary education (tér•sya•rí e•dyu• kéy•syon) : edukasyon sa isang kolehiyo o unibersidad na kasunod ng sekundaryang edukas-yon.
ter•túl•ya : munting pagtitipon ng mga maginoo at mariwasa upang magkuwentuhan at mag-aliw hábang nagmemeryen-da pagkatapos ng orasyon.
te•sáw•ro 1: aklat na nagtatalâ ng pangkat ng mga salitâng magkakasingkahulugan at kaugnay na konsepto 2: diksiyonáryo2.
té•se•rá 1: isa sa maliliit na pirasong ginagamit sa mosaic 2: piraso ng parisukat na bató o kris-tal, ginagamit noong unang pana-hon bílang token, tiket, at iba pa.
té•sis 1: isang panukalang paninindigan o patutunayan 2: isang disertasyon o akda, lalo na ng isang kandidato para sa dip-lomang masteral
tés•la : SI yunit ng magnetic flux density (symbol T), katumbas ng isang weber bawat metro kuwadrado o 10,000 gauss.
te•so•re•rí•ya 1: pook o gusali na pinagtataguan ng yaman 2: pook na pina-gtataguan ng pondong publiko o pribado, talaan ng mga ito, at iba pa 3: ang pondo o kíta ng estado, korporasyon, at iba pa 4: kagawaran ng pamaha-laang namamahala sa kíta, buwis, at iba pa 5: koleksiyon ng mga yaman sa sining, literatura, at iba pa
test 1: pagsúbok 2: pag-susulit1-2 3: prosesong gina-gamit sa pagtiyak ng pagkakaroon ng isang element sa isang com-pound.
tes•tá•da : babaeng namatay na nakagawâ at nag-iwan ng legal at balidong testamento, tes•tá•do kung laláki.
tés•ta•mén•to 1: sa Bibliya, isang tipan o kasunduan 2: alinman sa dalawang bahagi ng Bibliya, ang Lumang Tipan at Bagong Tipan 3: a pahayag ng kagustuhan ng isang tao kaugnay sa pamamahagi ng kaniyang ari-arian, matapos mama-tay b legal na dokumentong nagla-lamán nitó
testicle (tés•ti•kél) : or-gan ng laláki na naglalabas ng semilya, lalo na ang isa sa dalawang nakapaloob sa bayág sa likod ng uten ng isang laláki o ng karamihan ng mammal