technical knockout (ték•ni•kál nák• awt) : sa boksing, ang pagtigil ng isang laban dahil hindi na káyang tapusin ng isang kalahok ang laban kayâ ipinahahayag na panalo ang kalaban
technocracy (tek•nó•kra•sí) 1: ang pamahalaan o kontrol ng mga dalubhasa ng siyensiya o inhenyeriya sa lipunan o industriya 2: ang pagkakataon o aplikasyon nitó.
tectonic (tek•tó•nik) 1: ukol sa o kaugnay sa pagbubuo o kons-truksiyon 2: ukol sa pagkasirà ng anyo sa crust ng mundo o sa pagbabago ng anyo sanhi nitó.
tectonics (tek•tó•niks) 1: ang sining at proseso ng paggawâ o paglikha ng praktikal at kaaya-ayang mga gusali 2: ang pag-aaral sa malalakíng estukturang anyo.
Te Deum (ti dyum) 1: a himno na nagsisimula sa Te Deum laudamus, nangangahulugang “Pinupuri ka namin, O Diyos,” inaawit kapag may natatanging okasyon gaya ng pasasalamat b musika para dito 2: pahayag o bula-las ng pasasalamat.
ted•tséng : kalahati ng bini-yak na biyas ng kawayan, may apat na kuwerdas na kinakalabit upang tumunog.
te•dú•yung : bughaw at itim na paldang may maninipis na guhit at karaniwang isinusuot ng mga ba-baeng nása mataas na antas var tredyung, triyung.