teleology (te•le•ó•lo•dyí) 1: ang paliwanag sa mga penomena o pangyayari sa pamamagitan ng kahalagahan o anumang ipinahihi-watig nitó sa halip na sa pamama-gitan ng mga ipinalagay na mga sanhi o dahilan 2: ang doktrina ng disenyo at layon sa materyal na mundo.
te•le•pa•tí•ya : ang ipinalalagay na komunikasyon ng mga isip o idea sa halip na o bukod sa normal na pandamá o paraan
te•lé•po•nó : instru-mento o sistema ng paghahatid ng salita o mensahe sa malayò sa pama-magitan ng pagbabago ng tunog sa impulsong elektrikal na dumadaan sa kawad
te•le•prín•ter : kasangka-pang pinapasukan ng mensaheng inihahatid sa pamamagitan ng tele-grapo, gayundin ang naglilimbag sa mga mensaheng natanggap.
teleprompter (te•le•prámp•ter) : elektronikong kasangkapan na naglalatag sa nakahandang iskrip at iba pa bawat linya, bílang pantulong sa nagsasalita o bílang pandikta.
telescopic (te•les•ków•pik) 1: ukol sa o kaugnay sa teleskopyo 2: nakikíta lámang sa pamamagitan ng teleskopyo.