téks•to 1: ang pangu-nahing bahagi ng isang aklat, bukod sa mga pansin, dagdag, larawan at iba pa 2: ang orihinal na mga salita ng isang awtor o dokumento, bukod sa mga puna o paliwanag 3: mga salitâng hango sa Bibliya, lalo na bílang paksa ng isang sermon
tektite (ték•tayt) : maliit, itim, at tíla kristal na bagay na maki-kíta sa lupa o sa ilalim ng dagat, at pinaniniwalaang mula sa banggaan ng mga bulalakaw.
telaesthesia (te•lis•thé•sya) : ang ipinalalagay na pagdamá sa mga pangyayari o bagay na nása malayò sa halip na sa pamamagitan ng kinikilálang pandamá.
tele- (té•le) 1: pambuo ng pangngalan na nangangahulugang sa malayò o túngo sa malayò, hal teleki-nesis 2: pambuo ng pangalan ng mga instrumentong gumagana sa malayò o nang malayò, hal telescope, telegraph 3: nagagawâ sa pamama-gitan ng telepono, hal telemarketing.
telebanking (té•le•báng•king) : sistema ng pagbabángko na isinasakatuparan ang naka computer na mga transaksiyon sa pamamagitan ng telepono.
té•le•bis•yón : sistema o proseso ng paghahatid ng mga hulagway o eksena sa pama-magitan ng pagbabago ng sinag ng liwanag túngo sa elektronikong impulso na muling binabago túngo sa sinag elektron ng tumatanggap na set upang lumitaw ang orihinal sa iskrin nitó
telecommute (té•le•kom•yút) : gumawâ o magtrabaho sa bahay sa pamamagitan ng computer, fax, at iba pa.
teleconference (té•le•kón•fe•réns) : kumperensiya na nása iba’t ibang pook ang mga kalahok at nag-uugnayan sa pamamagitan ng mga kasangkapang pantelekomuni-kasyon.