ni•tó : panghalip na pamatlig sa kaukulang paari na tumutukoy sa tao, bagay, o pangyayaring nagtataglay ng anumang katangiang ipinahahayag ng nagsasalita na malapit sa kaniya
B, b 1: ikalawang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na bi 2: ikalawa sa isang serye o kaayusan 3: pasulat o palimbag na representasyon ng B o b 4: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik B o b 5: markang akademiko na nangangahulugang magalíng o higit na mahusay sa karaniwan 6: tipo ng dugo ng tao 7: a ikapitóng nota sa eskalang C major; kilalá bílang ti b nakalimbag na nota na kumakatawan sa tonong ito c tonality na may B bílang notang tonic 8: súkat ng sapatos na higit na maliit sa C ngunit higit na malakí sa A 9: cup size ng bra na higit na maliit sa C ngunit higit na malakí sa A.
ni•tò 1: baging na payat at ilahas, karaniwang ginagawâng sombrero at basket 2: uri ng pakô (Ligodium circinnatum)
bú•nga 1: produkto ng haláman, karaniwang ang kinakain na bahaging panreproduksiyon ng halámang binhi 2: palma (Areca catechu) na mataas, katutubò sa Filipinas at Asia, at ginagawang ngangà ang prutas 3: anák 4: kináuwian o kinalabasan ng gawain o pangyayari
bi•ta•mí•na B kóm•plex : mahalagang pangkat ng mga bitaminang natutunaw sa tubig, at may bitaminang B1, B2, at katulad