amphetamine (am•fét•a•mín) : substance C9H13N na ginagamit bílang isprey sa sipon at hay fever o stimulant sa sistemang nervous
am•píb•yan 1: hayop o haláman na nabubúhay sa lupa at tubig 2: eroplano o sasakyang nagagamit sa lupa at tubig
am•pís 1: sa sinaunang lipunang Bisaya, pangharap na tupi ng bahag 2: uri ng damit pang-ibabâ na gawâ sa balát ng kalabaw
am•pi•te•á•tro 1: pantay na puwang na habilog o pabilog na naliligid ng pataas na lupà 2: pook na pinagdarausan ng mga paligsahan o larong pangmadla 3: gusaling may mga upúang sunod-sunod na pataas hábang patúngo sa likurán na nakapaligid sa gitna na siyang pinagtatanghalan