amplitude (ám•pli•tyúd) 1: pagiging sapat o higit sa sapat ng lawak, kapal, o lakí 2: sukdulang lawak ng vibration o oscillation mula sa posisyon ng equilibrium 3: sa elektroniks, sukdulang layo ng halaga ng alternating current o alon mula sa average na halaga
amplitude modulation (ám•pli•tyud mo•dyu•léy•syon) 1: sa elektroniks, modulasyon ng along-radyo sa pamamagitan ng pagbabago ng amplitude nitó bílang paraan ng pag-dadalá ng senyas ng tunog 2: estasyon ng radyo o network nitó na gumagamit ng ganitong paraan ng pagbobrodkast
am•pli•yas•yón 1: kilos o paraan ng pagpapalakas o pagpapalakí ng tunog 2: bagay o detalyeng idinagdag sa isang pahayag, ulat, at katulad 3: mataas na kurso o asignatura
am•pól•ya 1: maliit na túbong kristal na pinagsisidlan ng likidong pang-ineksiyon 2: paltos1 3: bulâ 4: bombilya
am•pón 1: pag-am•pón pagkup-kop o pagtangkilik sa isang ulila, dukha, matanda, o maysakit 2: batàng pinalakí at itinuring na tunay na anak
am•pú•nan : institusyon o bahay para sa walang tahanan, ulila, maysakít, matanda, may kapansanan, at katulad